|
||||||||
|
||
Philippine Red Cross, hindi nababahala sa puna ng punongbayan ng Maribojoc, Bohol
WALANG dahilan ang Philippine Red Cross na mabahala sa mga puna ng punongbayan sa Maribojoc, Bohol. Sa isang press statement, sinabi ng PRC na sumusunod lamang sila sa mga alituntunin ng pandaigdigang humanitarian agency at laging nakataya ang kanilang reputasyon sa kanilang subok ng paraan ng pamamahagi ng relief goods.
Magugunitang nais ng punongbayan ng Maribojoc na ipagkaloob na ng Philippine Red Cross ang kanilang relief goods sa pamahalaang-bayan ay sila na ang mamamahagi. Bagaman, nanindigan ang Red Cross na hindi nila ito magagawa sapagkat sila ang mananagot sa mga nagkaloob ng tulong.
Idinagdag pa ng Philippine Red Cross na napakanipis na ng kanilang mga maitutulong dahilan sa sunod-sunod na trahedyang tumama sa bansa. Naglalaan pa sila ng humanitarian support sa mga emergency tulad ng Zamboanga Crisis, mga bagyong Nari at Utor kasabay ng recovery programs ng mga biktima ng bagyong Bopha.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |