Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Pilipinas at Tsina, masigla

(GMT+08:00) 2013-10-23 19:11:15       CRI

Mga Vietnamese, nakiisa sa pananalangin para sa mga biktima ng lindol

NAKIISA ang mga Vietnames sa pananalangin para sa mga naging biktima ng malakas lindol noong nakalipas na linggo sa Gitnang Kabisayaan.

Ipinarating ni Arsobispo Phaolo Bui Van Doc, pangulo ng Vietnamese Bishops Conference ang mensahe ng pakikiisa sa mga taga-Bohol at Cebu ng mga Vietnamese.

Sa isang liham na ipinadala kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, sinabi ni Arsobispo Doc na nakapahirap at napakasakit isipin ang pagdurusa ng mga mamamayan sa nakalipas na mga bagyo at mapaminsalang lindol na tumama sa Pilipinas kamakailan.

Sa ngalan ng mga obispong Vietnames at ng mga Katoliko sa Vietnam, ipinarating nila ang pagkabahala at pagdadalamhati sa kalagayan ng mga naging biktima.

Ikinalungkot din niya ang pagkapinsala ng mga simbahan sa Cebu at Bohol. Tiniyak ng arsobispo ang kanyang pananalangin sa tulong ni San Miguel Arkanghel na manatiling ligtas ang mga mamamayang Pilipino.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>