|
||||||||
|
||
Pangalawang pangulo, humiling ng panalangin
NANAWAGAN si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa publiko na magdasal para sa isang Pilipinong nahaharap sa tiyak na kamatayan sa Saudi Arabia pagsapit ng ikatlo ng Nobyembre.
Nanawagan din siya na tumulong ang madla na makaipon ng blood money para kay Joselito Zapanta upang makalaya siya at makauwi sa Pilipinas.
Idinagdag ng pangalawang pangulo na umasa pa rin sa himala at baka mabigyan pa ng extension o dagdag na panahong makalikom ng salapi.
Nahatulan ng kamatayan si Zapanta noong 2009 sa pagkakapaslang niya sa isang Sudanese national. Kailangan niyang makalikom ng SAR 4 million o P 45 milyon. Itinakdang deadline ang ikatlong araw ng Nobyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |