Mga taga-Tacloban, nabakunahan na
TUMANGGAP ng anti-polio at anti-measles vaccine ang mga bata sa Tacloban City sa malawakang kampanya ng Pamahalaan ng Pilipinas at UNICEF, World Health Organization at iba pang partners. Namigay din sila ng Vitamin A supplements.
Aabot sa 30,000 mga bata ang inaasahang mararating ng kampanya sa mga evacuation center at mga komunidad sa pamamagitan ng mobile health teams. Target ng kampanya ang mga batang wala pang limang taong gulang. May 15 mga koponan na binubuo ng 10 banyaga at limang Filipino nationals at mga volunteer ng Department of Health, Philippine Red Cross at non-governmental organizations ang nasa iba't ibang pook sa Tacloban City. Unang nakatanggap ng bakuna ang mga bata sa 20 evacuation centers.
Ani Angela Kearney, UNICEF Coordinator for the Emergency Response, kailangan ng mga batang biktima ang proteksyon mula sa mga karamdaman.
1 2 3 4 5 6 7