|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Miss World, lumahok na sa Philippine Red Cross
KANINANG tanghaling-tapat, lumahok na si Miss World 2013 Megan Young sa Philippine Red Cross sa pagtulong sa mga rehiyong apektado ni "Yolanda.
Magkakaroon siya ng tatlong-araw na paglalakbay mula bukas, dadalaw siya sa mga evacuation centers sa Cebu, Leyte, Capiz at Palawan upang mamahagi ng mga relief goods. Dadalaw din siya sa Red Cross base camps at filed hospitals.
Malaking tulong din ito sa mga mamamayang naghihintay ng kalinga. Mapapatunayan na naman ang PRC tagline na "Always First, Always Ready at Always There."
Nagpasalamat si PRC Chairman Richard J. Gordon sa suportang natatanggap mula sa local at international celebrities lalo na sa panahon ng krisis.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |