Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bilang ng mga nasawi sa bagyo, napako sa 5,200

(GMT+08:00) 2013-11-27 18:25:20       CRI

Paggasta ng pamahalaan sa pagawaing-bayan, lumago ng 33% mula sa 2012

LUMAGO ang paggasta ng pamahalaan sa mga pagawaing-bayan at capital outlay sa pagkakaroon ng 33.9% increase kung ihahambing sa performance noong 2012. Pagtalima lamang ito sa mabilisan, pangmatagalan at mas malawak na epekto sa madla ayon sa Economic Development Agenda.

Ang paggasta ay nanatili sa double-digit growth sa unang siyam na buwan ng taon at nakarating sa P 183 bilyon. Nagkaroon lamang ng P 136 bilyong gastos sa parehong panahon noong 2012. Sa pangkalahatan, lumago ang gastos ng pamahalaan sa pagtatapos ng Setyembre ay umabot sa P 1.233 trilyon. Kinakitaan ito ng improvement ng 11.8% mula sa total na P 1.223 trilyon noong 2012.

Sinabi ni Kalihim Florencio Abad ng Department of Budget and Management, patuloy na lumalago ang gastos ng pamahalaan sa mga pagawaing-bayan at capital outlay sa nakalipas na tatlong quarter ng 2013. Umaasa umano sila na liliit na ang infrastructure gaps ngayong taon.

Sa pagtatapos ng Setyembre, nakapaglabas na ang pamahalaan ng P 1.840 trilyon mula sa P 2.006 trilyong budget para sa 2013.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>