|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Koponan ng mga Australiano, lilisan na
PAALIS na ang medical team ng Australia matapos tumulong sa mga biktima ni "Yolanda" sa Tacloban. Hindi naman magkakaroon ng agwat sapagkat hahalinhan sila ng isa pang koponang Australiano mula bukas.
Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Bill Twedell, isang magandang halimbawa ng pagtutulungan ng mga Australiano at mga Pilipino ang nagawa ng dumalaw na koponan.
Sa kanyang pahayag, ang koponang binubuo ng 37 kataong medical team ay nakagamot ng 1,400 pasyente at nakapag-opera ng 137 pasyente sa higit sa sampung araw na pananatili sa Tacloban. Naganap ito sa pakikipagtulungan ng mga manggagamot na Pilipino.
Ang koponan mula sa Australia ay pinamumunuan ng isang team leader, 12 manggagamot, 15 narses, dalawang paramedics, anim na medical logisticians at isang parmaseyutika.
Sa ngalan ng mga manggagamot na Pilipino, nagpasalamat si Col. Jojo Acosta, ng Philippine Air Force medical team sa kanilang mga nakasama sa paglilingkod sa mga biktima.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |