Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bilang ng mga nasawi sa bagyo, napako sa 5,200

(GMT+08:00) 2013-11-27 18:25:20       CRI

Misa ng Paggunita, idaraos sa makasaysayang Mt. Samat

SA darating na Sabado, magkakaroon na naman ng pilgrimage sa Mt. Samat, napapanahon sa unang Linggo ng Adviento (First Sunday of Advent).

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, sa kanilang paglalakbay tungo sa bundok ng Samat, kanilang isasaisip ang kalagayan ng mga naging biktima ng napakalakas na bagyo tatlong linggo na ang nakalilipas.

Pagsapit ng ika-lima ng hapon, magdaraos ng Misa ng Paggunita para sa mga nasawi sa bagyo at iba pang mga biktimang mula sa siyam ng rehiyon ng bansa. Sama-sama silang hihiling sa Panginoon na bigyang lakas ang mga naulila at nangangamba.

Ang salaping malilikom sa Misa ay ipadadala sa mga nagdurusang pamilya. Una ng nagpadala ang Diocese of Balanga ng salapi sa mga biktima tulad ng Cebu (P50,000), Palo (P100,000), Talibon (Bohol) (P200,000), Tagbilaran (Bohol) (P356,000) at Caritas Manila (P200,000).

Magpapadala rin sila ng P1.433 milyon sa Capiz, San Jose (Mindoro Occidental), Naval (Biliran), Antique, Romblon, Masbate at maging sa Apostolic Vicariate of Taytay (Palawan).

Hindi na magdaraos ng taunang pagtitipon para sa Pasko ang mga pari ng Balanga at lahat ng mga ala-ala at nakatakdang gastusin ay ipadadala sa Apostolic Vicariate ng Taytay (Palawan). Kanilang "inampon" ang Apostolic Vicariate at nangangahulugang tutulungan nilang lahat ang mga mananampalataya at mga pari.


1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>