Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Saligang Batas, nararapat pag-aralan

(GMT+08:00) 2014-03-03 18:22:23       CRI

Saligang Batas, nararapat pag-aralan

NANINIWALA sina G. Sergio Ortiz Luis ng Philippine Chamber of Commerce and Industry and Employers Confederation of the Philippines, dating Congressman Apolinario Lozada, Jr., UP College of Law Professor Marwil Llasos na mahirap buksan ang Saligang Batas ng Pilipinas sa anumang pagsusog ng mga mambabatas sapagkat maaari itong pagmulan ng mga pagbabagong magdudulot ng term extension at maging pag-aalis ng anti-dynasty provision.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ng tatlong panauhin na kung wala namang problema sa Saligang Batas ng bansa ay di mangangailangan ng anumang pagbabago.

Nagkaisa sila sa paniniwalang mahirap makita ang katapatan ng mga mambabatas sapagkat nakita na umano ang kanilang pagsunod sa nais ng Palasyo Malacanang tulad ng naganap na impeachment kay Chief Justice Renato Corona.

Ani Atty. Llasos, sunod-sunuran lamang ang mga mambabatas sa panig ng administrasyon sapagkat wala namang maliwanag na pagkakaiba ang mga partido politikal sa bansa.

Sa panig ni G. Ortiz-Luis ng PCCI at ECOP, kung sakaling magkakaroon ng pagbabago sa saligang batas ay makabubuting gawin sa pamamagitan ng Constitutional Convention at hindi sa paraan ng constituent assembly.

Mas makabubuti umanong buwagin na ang Kongreso ng Pilipinas sapagkat maraming batas na naipasa subalit hindi rin lamang ipinatutupad. Kung hindi man bubuwagin ay huwag na munang magpasa ng batas sapagkat wala namang kabutihang nagawa ang mga ipinasang batas mga ilang dekada na ang nakararaan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>