Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Saligang Batas, nararapat pag-aralan

(GMT+08:00) 2014-03-03 18:22:23       CRI

Kahalagahan ng pagtuturo ng pag-iimpok, kailangan sa mga paaralan

IPINAGPASALAMAT ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco ang pakikipagtulungan ng kanyang tanggapan sa Kagawaran ng Edukasyon sa pagtuturo ng pag-iimpok.

Sa kanyang talumpati sa pagpaparangal sa mga gurong na sa larangan ng Social Studies, Work Education at Values Education, sinabi ni G. Tetangco na itinuturo ang kahalagahan ng pag-iimpok sa Grade 1 pa lamang sapagkat tumataas ang bilang ng hindi na nagpapatuloy ng pag-aaral pagsapit sa Grade 4 sapagkat inaakala ng mga magulang na maaari nang maghanapbuhay ang mga batang ito.

Sa bawat 100 mga nagtatapos ng elementarya, 50 na lamang ang nagpapatuloy sa high school kaya't ang pag-iimpok at tinaguriang "money management" at pagkakalakal ay nararapat lamang ituro sa kanila samantalang nasa paaralan pa sila.

Ang mga nagwaging guro ay gumawa ng iba't ibang paraan upang makarating ang mensahe sa kanilang mga mag-aaral. Ang mga guro ang nagwagi sa katatapos na Guro ng Pag-Asa, isang patimpalak sa lahat ng mga tumutulong sa pagtuturo ng pag-iimpok.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni BSP Governor Tetangco na 20% lamang ng mga pamilya sa buong bansa ang mayroong inimpok na salapi sa bangko samantalang isang survey na ginawa ng Philippine Deposit Insurance Corporation ang nagsabing 60% ng mga savings accounts sa bansa ay mayroong lamang mula P 5,000 pababa. Isang malaking hamon para sa kanila na maitaas ang bilang ng may may naiimpok at maitaas ang halagang nailalagak sa bangko.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>