Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Saligang Batas, nararapat pag-aralan

(GMT+08:00) 2014-03-03 18:22:23       CRI

Whistleblower Lozada: huwag naman sanang pabayaan ang mga saksi sa katiwalian

NANANALANGIN si NBN-ZTE whistleblower Rodolfo Lozada, Jr. na huwag namang maranasan ng mga bagong whistleblowers ang kanyang sinapit matapos niyang ibulgar ang anomalya noong nakalipas na pamahalaan.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina, sinabi ni G. Lozada na unang lumapit ang grupo ni Benhur Luy sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines subalit lumipat sila sa Department of Justice sa ilalim ni Kalihim Leila de Lima.

Ang masakit umanong karanasan ay ang sinapit ng dalawang opisyal ng PhilForest, isang kumpanyang pag-aari ng pamahalaan na nagtungo sa Ombudsman at nanirahan sa Commission on Audit ng may limang buwan samantalang sinusuri ng pamahalaan ang kanilang mga pahayag.

Iniwanan sila ng pamahalaan matapos mabatid na ang pinupuntirya ng mga akusasyon ay hindi ang pork barrel ng mga mambatatas kungdi ang Development Acceleration Program ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Kahit umano ang Senado at Mababang Kapulungan ay tumangging siyasatin ang pagkakaroon ng bilyon-bilyong pisong "pork barrel" ni Pangulong Aquino.

Ipinagtanong din ni Atty. Llasos kung bakit hanggang 2009 lamang ang report ng Commission on Audit na nagpapakita ng pakikialam ng mga mambabatas sa pagdadalhan ng kanilang pork barrel funds at hindi na ginawa ang audit sa taong 2010 hanggang ngayon.

Idinagdag ni G. Lozada na masakit ang kanyang karanasan sapagkat iniwan siya ng mga tumutulong sa kanya, maliban na lamang sa grupo nina Sr. Mary John Mananzan ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines.

Naniniwala si G. Lozada na ang katotohanan ay titingkad sa oras na makarating na sa hukuman ang usapin, mawawala na ang media coverage at wala ng tutulong sa mga nagbunyag ng anomalya. May mga whistleblowers na nasira na ang kanilang pamilya, pagkakakitaan at pati na pananalapi.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>