|
||||||||
|
||
Budget at Palatuntunan para sa K-to12 program, may problema
MALAKING problema ang kinakaharap ng pamahalaan sa pagsisimula ng K-to-12 program. Sa pagkakaroon ng programang ito na madarama mula 2015 hanggang 2016, problemado ang mga nasa kolehiyo na magkukulang ng kita sa pagkakaroon ng limang taong transition period.
Ito ang pananaw ni dating Education Secretary Edilberto de Jesus sa pagsasalita niya sa harap ng mga mangangalakal. Hindi kaagad makikita ang problema hanggang sa hindi ito ipinatutupad sa kanayunan at mga kabayanan.
Sa pagsusulong ng K-to-12 noon ay ang magagawa upang magkaroon ng kakayahan ang mga kabataang hindi makapagtatapos ng pag-aaral at magkaroon ng orientasyon sa technical at vocational courses.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |