Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Saligang Batas, nararapat pag-aralan

(GMT+08:00) 2014-03-03 18:22:23       CRI

Malacanang: ipagpatuloy ang imbestigasyon sa pork barrel

NANINIWALA ng Malacanang na magpapatuloy ang imbestigasyon sa lahat ng mga nasangkot sa pork barrel scam kahit pa lumampas ng 2016.

Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na umaasa siyang magpapatuloy ang paglilitis sa mga sangkot sa pork barrel scam kahit pa bumaba na sa kanyang tanggapan si Pangulong Aquino sa darating na Hunyo 30, 2016.

Kahit pa umano lumisan si Pangulong Aquino sa pamunuan ng bansa, nararapat lamang umikot ang gulong ng katarungan sa bansa.

Ipinaliwanag niyang ito ang dahilan kaya't nais ni Pangulong Aquino na magpatuloy ang reporma sa hudikatura upang mapanagot ang nararapat managot.

Sa pagkakaroon ng judicial reform, umaasa si Kalihim Lacierda, mapapabilis na ang proseso sa pamamagitan ng malalakas na usapin upang makarating sa mga hukuman.

Idinagdag pa ni Kalihim Lacierda na nararapat ang pagsasama-sama at pagtatangkang mapaglingkuran ang madla mula sa Department of Justice, sa Office of the Ombudsman hanggang sa makarating ang usapin sa Sandiganbayan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>