|
||||||||
|
||
20140423melo.m4a
|
Pamahalaan, kailangang kumuha ng mas maraming piskal
NANAWAGAN si Senate President Franklin M. Drilon sa pamahalaan na kumuha ng mas maraming mga taga-usig upang mapa-igting ang kampanya laban sa katiwalian at mapigil ang kriminalidad sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa 26th National Convention ng Prosecutors' League of the Philippines sa Legazpi City kanina, sinabi ni Senate President Drilon na sa tindi ng krimen at katiwaliang kinakaharap ng bansa, kailangang mapunuan ang kakayahan ng gobyernong malitis ang mga kriminal at maisulong ang nilalaman ng batas.
Naniniwala rin si G. Drilon na ang maayos na paglilitis ang magiging dahilan upang magipil ang kriminalidad sa buong bansa. Aniya, sa oras na mabilanggo ang masasamang loob, maipakikitang walang sinumang hihigit pa sa batas, ano man ang kanilang katayuan sa lipunan at ekonomiya.
Hindi kailanman maitatanggi ang halaga ng mga taga-usig sa pagtitiwala ng mga mamamayan sa justice system ng bansa.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga taga-usig upang madala ang mga nasa likod ng mga krimen sa piitan na nararapat nilang kalagyan. Tutulong umano ang Senado sa paglalaan ng salapi upang makamtan ang sapat na bilang ng mga taga-usig sa bawat regional trial court.
Nakapaglabas ang Kongreso ngayong 2014 ng budget na umabot sa P 2.6 bilyon mula sa P 2.5 bilyon noong 2013. Naglaan din ng pondo ang Kongreso para sa pag-aayos ng mga "Halls of Justice" at pag-aayos ng mga hukuman at tanggapan ng mga taga-usig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |