|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay: "Ibaba natin ang carbon emissions"
NANAWAGAN si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa mga pamahalaang lokal na kumilos kaagad upang mabawasan ang carbon emissions ng bansa.
Ayon kay Ginoong Binay, kung ang carbon dioxide at iba pang greenhouse gas emissions ang nangungunang pinagmumulan ng global warming, isang mahalagang stratehiya ang pagbabawas ng carbon pollution.
Idinagdag pa niya na ito ang nararapat maging layunin ng mga bansa, maliliit man o malalaki sapagkat ang lahat ay may pananagutan sa mga susunod na saling-lahi.
Ipinanukala niya na makipagtulungan ang International Finance Corporation, Philippine Green Building Initiative at Climate Change Commission sampu ng Department of Public Works and Highways sa University of Makati sa pagbuo ng seminar format para sa green building code para sa mga bagong halal na ehekutibo at may sapat na salaping mga pamantasan at dalubhasaan sa bansa.
Idinagdag pa niya na malaki ang magiging epekto ng green code para sa building construction industry sa kinabukasan ng bansa. Ang daan tungo sa low-carbon urban areas ay magkakaroon ng sariling operational challenges subalit maaaring magkasundo sa kahalagahan ng layunin, paliwanag pa ni G. Binay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |