Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tuloy ang modernization ng Armed Forces of the Philippines

(GMT+08:00) 2014-04-25 18:25:49       CRI

Dating Chief Justice Corona, dating Gobernador Singson, pinagbawalang lumabas ng bansa

IPINAG-UTOS ng Sandiganbayan na huwag payagang makalabas ng bansa sina dating Chief Justice Renato Corona at dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson dahilan sa dalawang hiwalay na usaping nakabimbin laban sa kanila.

Nagmula ang Hold – Departure Order laban kay G. Singson sa P 26 milyon graft case samantalang ang usaping perjury ang dahilan ng pagbabawal na maglakbay kay dating Chief Justice Corona.

Kasamang may kaso si Vice Governor Deogracias Victor Savellano ni Governor Singson sa diumano'y paglustay ng salapi ng bayan noong 2001.

Nagmula ang usapin sa kautusan ni Ombdusman Conchita Carpio-Morales na ituloy ang kaso laban kina Gob. Singson at Bise Gob. Savellano sa diumano'y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Umaasa si G. Singson na mapapawalang-saysay ang usapin. Naglabas umano ng P 26.50 milyon sina Singson at Savellano sa Multi-Line Food Processing International, Inc. noong 2001 subalit hindi kwalipikado ang NGO na tumanggap ng salapi sapagkat isa itong pribadong korporasyon na binuo upang kumita sa halip na magsulong ng mga palatuntunan sa ikauunlad ng mga mamamayan.

Sa kabilang dako, may walong usaping perjury si G. Corona dahilan sa misdeclaration of assets lalo't higit sa kanyang bank accounts at real estate properties sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth mula 2004 hanggang 2010.

Panunumpa ng mga bagong abogado, naudlot

HINDI matutuloy ang panunumpa ng may 1,174 bagong abodago na nakatakdang gawin sa Lunes, ika-28 ng Abril dahilan sa pagdalaw ni Pangulong Barack Obama sa Maynila.

Sa isang briefing, sinabi ni Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema na ginawa ang desisyong ipagpaliban ang panunumpa dahilan sa inaasahang matinding traffic dulot ng pagdalaw ng Pangulo ng Estados Unidos.

Idaraos sana ang panunumpa sa Philippine International Convention Center sa Pasay City subalit umaasa silang magiging matindi ang trapiko dahilan sa paghahanda sa pagdating ng panauhin ng bansa.

Ang okasyong ito ay kinikilalang en banc session sapagkat lahat ng mga mahistrado ay dadalo sa pagtitipon. Nagmula sa Pamantasan ng Pilipinas ang lima sa kabilang sa Top Ten Bar passers. Nanguna si Nielson Pangan ng UP. Nagkaroon ng 22.18% passing rate ang pagsubok na ibinigay noong 2013 at mas mataas sa 17.76% passing rate noong 2012, ang pinakamababa sa nakalipas na 12 taon.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>