Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong magtapos ng pag-aaral, mahihirapang magkatrabaho

(GMT+08:00) 2014-05-02 15:50:30       CRI

Bagong magtapos ng pag-aaral, mahihirapang magkatrabaho

SINABI ni Professor Leonor Briones, pinuno ng Social Watch Philippines at dating pambansang ingatyaman na mahihirapang magkaroon ng matatag na hanapbuhay ang mga nakapagtapos ngayong 2014 dahilan sa mga suliraning kinakaharap ng pamahalaan at lipunan.

Si Professor Briones ay naglingkod sa National College of Public Administration and Governance sa Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman. Isang malaking hamon para sa pamahalaang magkaroon ng mga bagong hanapbuhay.

Idinagdag pa ng propersora na ang suliranin ng job creation ay napakalawak, babalik at babalik sa mga alituntunin ng pamahalaan sa larangan ng ekonomiya at lipunan. Babalik din sa mga regulasyon na sumasagka sa mga pagbabago sa kalakal at pamahalaan, ayon sa iginagalang na academician.

May malaking papel ang educational system at uri ng mga pinag-aralan at pagsasanay. Makikita rin ang kahirapan na nagsusulong sa mga desperadong mga magulang at mga mag-aaral sa mga kulang sa pamantayang paaralan na mayroong mababang standards.

Ayon sa pamahalaan ay mayroong 39.6 milyong mga manggagawang Pilipino ngayong 2014 at mayroong 2.96 milyon ang walang hanapbuhay. Sinabi na rin ng Trade Union Congress of the Philippines na mayroong 700,000 nagtapos na mapapabilang sa hanay ng mga manggagawa ngayong 2014. Magkakasama na ang nagtapos ng kolehiyo at technical at vocational courses.

Sinabi ni Professor Briones na kung pagsasamahim ang 2.96 milyong walang hanapbuhay at magdaragdagan ng 700,000 nagtapos ngayong 2014, mahihirapan ang ekonomiyang magbigay ng halos 4 milyong trabaho.

Nabatid na may 23 hanggang 25% ang nasa formal sector samantalang mula 75 hanggang 77% ang nasa informal sector. Walang anumang proteksyon ang nasa informal sector, walang security of tenure, makataong sahod, health at educational benefits. May pitong milyong may trabao ang kinikilalang underemployed kaya't naghahanap pa sila ng full-time jobs.

Malabo ang employment situation sa Pilipinas ngayon lalo pa't marami sa mga nagtapos ngayong 2014 ang magkakatrabaho sa informal sector o mapipilitang maghanapbuhay sa ibang bansa bilang mga low-skill workers tulad ng kasambahay, tsuper at utility workers.

Sinabi pa ni Prof. Briones na 200,000 sa mga walang trabaho ang naghahanap ng pagkakakitaan sa ibang bansa ayon sa World Bank Philippine Development Report.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>