|
||||||||
|
||
02melo140430.m4a
|
Mga Manggagawa, magtitipon sa Simbahan ng Quiapo
BISHOP MERCADO, MAMUMUNO SA MISA PARA SA MGA MANGGAGAWA. Si Paranaque Bishop Jesse Mercado (kanan) ang mamumuno sa Misa para sa mga magsasaka, mangingisda at mga manggagawa sa Basilica Minore ng Quiapo bukas ng tanghali sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. (Roy Lagarde/CBCP)
SA pagdiriwang ng Labor Day bukas, magmimisa ang ilang obispo at mga pari kasama ang mga manggagawa, magsasaka at mangingisda sa makasaysayang Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa Quiapo sa ganap na ika-12 ng tanghali.
Pinangalanang Concelebrated Mass for the Working People, pamumunuan ni Paranaque Bishop Jesse E. Mercado, Chairman ng Episcopal Commission on the Laity, ang misa.
Sinabi ni Fr. Erik Adoviso, minister ng Archdiocesan Ministry for Labor Concerns, maituturing ng mga bayani at banal ang mga magsasaka, mangingisda at manggagawa sa kanilang pakikibaka magkaroon lamang ng makatarungan at makataong lipunan.
Idinagdag ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers na ang mga mangagawa ay mga taong kahalintulad ng imahen ng Diyos. Kailangan nila ng makataong sahod upang magkaroon ng makataong pamumuhay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |