Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

The Great Hypnotist

(GMT+08:00) 2014-05-13 10:39:48       CRI

Si Leste Chen ang director ng The Great Hypnotist. Ang mga bida sa pelikula ay sina Xu Zheng na gumanap bilang Dr. Xu Ruining at si Karen Mok na ginampanan ang papel na Ren Xiaoyan. Ang mystery thriller na ito ay tungkol sa isang napakasikat na hypnotherapist at isang misteryosong pasyente na lumapit sa kanya para magpagamot.

Ang The Great Hypnotist ay ikalawang commercial film ng Taiwanese director na si Leste Chen. Last year ginawa ni Leste Chen romantic comedy hit na Say Yes.

Unang ipinalabas ang pelikula sa katatapos lang na Beijing International Film Festival bilang closing film. At ang susunod na festival na pagtatanghalan nito ay ang Cannes Film Festival.

Ang The Great Hypnotist ay kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan sa Tsina. At malakas ang kita nito dahil sa unang linggo, umabot na sa $25 million ang ticket sales ng pelikula. Si Leste Chen at si Ren Peng ang screenwriters ng pelikula.

Itinuturing ng mga kritiko na ang The Great Hypnotist bilang isang breakthrough film mula sa Tsina at may potential na tangkilikin sa ibang bansa. Ayon sa kanila ang pelikula ay nagpapakita ng patuloy na pagbabago ng Chinese cinema sa pamamagitan ng pagsasama ng mga elemento tulad ng commercial genre, malaking budget, mahusay na production values at siyempre ang nakaeenganyong kwento.

At ang lahat ng ito ay binuo sa pamamagitan ng nakakamanghang visuals at maraming mga artistic highlights. Kaya ito ay tatangkilikin at magugustuhan ng mga manonood saan mang bahagi ng mundo.

Sino nga ba ang great hypnotist sa pelikula? Alamin mula sa movie buddies na sina Mac at Andrea sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.

Si Xu Zheng

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
mac
v Love You for Loving Me 2014-05-06 18:21:19
v 2014 Beijing International Film Festival 2014-05-05 15:50:14
v Love Will Tear Us Apart 2014-04-25 10:47:29
v Badges of Fury 2014-04-20 16:24:40
v From Vegas to Macau 2014-04-13 10:14:38
v To My Dear Granny 2014-04-08 10:24:41
v COLOR ME LOVE 2014-03-31 11:05:17
v No Man's Land 2014-03-19 16:44:07
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>