Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report: Marami pang nararapat gawin

(GMT+08:00) 2014-05-27 19:11:59       CRI
Special Report: Marami pang nararapat gawin 

SA nalalapit na pagtatapos ng palatuntunan hinggil sa Millennium Development Goals sa susunod na taon nahaharap pa rin sa matinding hamon ang Asia hinggil sa kalinisan.

Ayon kay Stephen Groff, Vice President ng Asian Development Bank, kailangang pagtuunan ng pansin ang kalinisan ng kapaligiran.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng tatlong araw na pagpupulong na pinamagatang 3rd Sanitation Dialogue, sa Asia Pacific region, mayroon pang 1.7 bilyong katao ang walang access sa improved sanitation facilities sa pagtatapos ng 2011. May 780 milyon katao o 19% ng buong mamamayan ng Asia, ang dumudumi sa labas ng palikuran. Sa 780 milyong walang kubeta, may 300 milyon katao ang mayroong mobile phones sa halip na magkaroon ng maayos na palikuran.

Masalimuot umano ang situwasyon sapagkat maraming mga panglipunan at pangkulturang mga dahilan, hindi nailalabas ang salapi ng mga pamahalaan kahit pa maraming pondo at iba't ibang paraan ng pagtustos sa palatuntunan, maraming dahilang teknikal subalit maraming pagpipiliiang paraan na kayang tustusan.

Mas malaki ang nawawala sa pagkakataong ganito at nakaaapekto sa buhay ng nakararami. Madarama ito sa larangan ng kalusugan, kapaligiran, pang-ekonomiya, at panglipunang mga usapin.

Ayon sa World Health Organization, mas maraming bata ang namamatay sa bawat taon dahilan sa diarrhea dala na maruming kapaligiran kaysa pinagsanib na bilang ng mga nasasawi dahilan sa mga karamdamang malaria, tuberculosis at HIV. Ang pagkakaroon ng mas magandang sanitation at ligtas na tubig na maiinom ang magbabawas ng diarrheal diseases ng may 90%.

Sa isyu ng kapaligiran, ang Asia ay nahaharap sa krisis sa tubig. Ang 'di masinop na paggamit ng tubig ang nagpapalala sa kompetisyon ng agricultural, industrial at energy sectors. Napapalala pa ang situwasyon dahilan sa pagbaba ng kalidad ng tubig dulot ng 'di maayos na wastewater management.

Ipinaliwanag ni G. Groff na 90% ng wastewater sa Asia ang pinalalabas sa pinagmumulan nito ng walang sapat na water treatment at makadudumi sa mga ilog, lawa, tubig sa ilalim ng lupa at baybay-dagat.

Kung hindi mapipigil ang masamang gawain, ang kakulangan sa tubig ang pipigil sa mga natamong bagay sa kampanya sa kahirapan. Apektado rin ang food at energy security.

Ikatlong isyu ay hinggil sa Ekonomiya, Nawawala sa mga bansang Cambodia, Indonesia, Lao People's Democratic Republic, Pilipinas at Vietnam ang nawawalan ng may US$ 9 bilyon dahilan sa maruming kapaligiran. Ang Bangladesh, India at Pakistan ang nawawalan ng may US$ 64 bilyon sa bawat taon. Ito ay 7% ng GDP ng Cambodia at 6% ng GDP ng India at Bangladesh. Mayroon umanong investment gap na US$ 71 bilyon para sa Asia.

Pang-apat ang social at dignity issue. Maraming mga maralitang taga-lungsod ang nahaharap sa hamon ng santiasyon. Kanilang ditto ang infrastructure na ginawa na walang sapat na babala. Maraming naniniwala na ang mga palikuran ay magagandang kagamitan sa halip na dumihan. Hindi pa rin matanggap ng ilan ang pangangailangan para sa ligtas na sanitation. Wala rin umanong pro-poor financing mechanism.

Ipinaliwanag pa niya na kahit gaano kasama ang kalagayan, mayroong solusyon.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>