|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mambabatas: Hindi naming kailangan ang salapi ni Napoles
SINABI ni Senador Cynthia Villar, ang pinakamayamang mambabatas sa Pilipinas na higit sa P 1 bilyon ang assets, na hindi nila kailangan ang salapi mula sa sinasabing pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles.
Ito ang naging pahayag ng mambabatas matapos lumabas ang kanilang pangalan ni dating Senador Manuel B. Villar, na tumanggap ng kickbacks at campaign contributions mula kay Napoles.
Sa isang panayam, sinabi ni Gng. Villar na kaya nilang tustusan ang pangangampanya noon ng kanyang esposo sa panguluhan. Tumakbo siya sa panguluhan noong 2010 subalit natalo kay Pangulong Aquino. May sapat naman umano silang naipong salapi. Nagmula ang kanilang salapi s dibedendo ng kanilang mga kumpanya.
Ani Senador Villar, kung wala silang salapi, hindi sila kakandidato. Sa sinumpaang salaysay, sinabi ni Gng. Napoles na minsan niyang nakita si Senador Manuel Villar sa kanyang tahanan sa Shaw Blvd. at binigyan niya ng salaping pangdagdag sa kampanya. Inakusahan pa ni Napoles si Senador Villar na tumanggap ng 30% kickback mula sa P 3.7 milyong computer project na ipinatupad ng Department of Transportation and Communications noong 2004.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni dating Senador Manuel Villar na walang anumang personal o official dealings na naganap sa kanila ni Gng. Napoles.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |