Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report: Marami pang nararapat gawin

(GMT+08:00) 2014-05-27 19:11:59       CRI

Mga inangkat, lumago ng 9.6% noong Marso

IBINALITA ng National Economic and Development Authority na lumago ang merchandise exports ng may 9.6% at umabot sa US$ 5.4 bilyon noong Marso mula sa US$ 5 bilyon noong Marso ng 2013.

Sa pahayag na inilabas ngayon, sinabi ni Kalihim Arsenio M. Balisacan, ang socio-economic planning secretary at director-general ng NEDA, naganap ang paglago dahilan sa may mahal na raw materials, intermediate goods, mineral fuels at lubricants, kabilang na rin ang consumer goods.

Patuloy na tumaas ang merchandise imports sa nakalipas na tatlong buwan at umabot sa 12.0% noong Marso, 2014. Naibalik din ang pagliit nito ng 7.8% noong nakalipas na Marso noong 2013.

Ang kabuuhang kabayaran sa raw materials at intermediate goods ay lumago ng 8.1% at nakarating sa US$ 2.1 bilyon noong Marso ng taong ito mula sa US$ 1.9 bilyon noong 2013.

Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan na kabilang sa semi-processed raw inputs, mas mataas na imports ng mga ginagamit at accessories para sa paggawa ng electrical equipment ang naging dahilan ng taunang paglago na nagpapakita ng magandang magaganap sa Philippine electronics exports.

Ayon sa pinakahuling Business Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang positibong pangyayaring ito ay kinakitaan ng mas magandang pananaw ng mga mangangalakal sa kanilang mga sariling operasyon sa ikalawang quarter ng taon.

Tsina pa rin ang nangungunang pinagkukunan ng mga inaangkat ng Pilipinas sa pagkakaroon ng paglago sa 15.2% na bahagi nito na nagkakahalaga ng US$ 825.5 milyon. Pangalawa naman na ng Republic of Korea na may 12.0% share. Ang Singapore ay mayroong 7.9%, Estados Unidos ng America ay mayroong 7.7%, Japan 7.4%, Taiwan, 6.4%, France 5.6%, Thailand 4.7%, Indonesia, 4.7% at Saudi Arabia 4.2%.

Sa loob ng ASEAN, umabot sa 22.4% ng Philippine merchandise imports noong Marso 2014 na nagkakahalaga ng US$ 1.2 bilyon ng imported goods samantalang ang European Union ay nagsupply ng mga kagamitan na nagkakahalaga ng US$ 712.8 milyon o 13.1% ng kalahatang import requirements ng bansa noong Marso.

Sinundan ng Pilipinas ang Vietnam at Singapore bilang top import growth performers sa mga trade-oriented economies ng Silangan at Timog Silangang Asia. Nangunguna pa rin ang Vietnam sa pagkakaroon ng 13.7% growth sa paglipas ng mga taon samantalang pumangalawa ang Singapore ng mayroong 13.4% annual gain.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>