|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
General Manager ng MRT 3, sinibak ng DOTC subalit nagbitiw din
SINIBAK sa kanyang tungkulin si Metro Rail Transit Line 3 General managfer Al Vitangcol III na inalis siya sa puwesto ni Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya sanhi umano ng kanyang pagkaaksangkot sa kaduda-dudang transaksyon sa MRT – 3 expansion project.
Sinabi ni G. Vitangcol sa mga mambabatas sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa sinasabing US$ 30 milyon pangingikil sa isang kumpanya ng Czech Republic na nagbibili ng mga kotse ng MRT na nagbitiw siya matapos siyang sabihan na lalabas na ang relief order mula sa tanggapan ni Kalihim Abaya.Sa lumabas ng column ni Jarius Bondoc sa Philippine Star noong Lunes, nabatid na iginawad ni Vitangcol ang P 517 milyong kontrata para sa pagaayos ng mga kotse ng train sa PH Trams ng walang public bidding.
Ayon kay Bondoc, ang isa sa mga kasosyo sa PH Trams ay isang nagngangalang Arturo Soriano, isang tiyuhin ni Vitangcol.
Sinabi ni Kalihim Abaya na inalam niya sa kanyang mga tauhan sa Department of Transportation and Communications kung idineklara ni Vitangcol ang kanyang relasyon sa isa sa mga opisyal ng kumpanya. Responsibilidad umano ni Vitangcol na sabihing may kamag-anak siya sa kumpanya.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |