Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report: Marami pang nararapat gawin

(GMT+08:00) 2014-05-27 19:11:59       CRI

Vice President Binay, nangakong tutulungan ang mga nahatulan sa Qatar

MAYROON pa namang apela kaya't mayroon pang pag-asa. Ito ang pahayag ni Vice President Jejomar C. Binay sa pangamba ng mga kamag-anak ng tatlong nahatulan dahilan sa pag-eespiya at economic sabotage sa Qatar.

Tiniyak ni G. Binay sa mga pamilya ng mga nabilanggo na tutulong at susuporta ang pamahalaang Pilipino.

Idinagdag ni G. Binay namarami pang pag-dadaanang apela kaya magtatagal pa ang usapin. Nakatutok naman ang Embahada at hindi pababayaan ang mga nahatulan.

Apat na ulit sila maaaring mag-apila at hindi nararapat mawalan ng pag-asa ang kanilang mga kamag-anak.

Magugunitang isa sa tatlo ang nahatulan ng kamatayan samantalang habang-buhay na pagkakabilanggo ang iginawad sa dalawang iba pa. Kabilang sila sa siyam ng Filipinong dinakip noong 2010. Ang anim ay pinalaya.

Nakarating na ang hatol sa appellate court. Sa oras na ibasura ang apela, dalawang ulit pa silang papayagang dumulog at umapela.

Kung tatanggihan ang kanilang apela, maaari silang dumulog sa Court of Cassation o Korte Suprema ng Qatar. Ang pagpapawalang-sala sa kanilang mga kasama ay isang senyal na may posibilidad na mapawalang-sala.

Ang pagtanggi ng Department of Foreign Affairs at National Bureau of Investigation na tumanggap sila ng mga impormasyon mula sa mga akusado ay malaking tulong sa kanilang usapin.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>