|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Panibagong usapin laban sa EDCA, nakarating na rin sa Korte Suprema
ISANG panibagong usapin ang humuhiling sa Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng kontrobersyal na Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA). Kailangan umano ang pagpipigil sa pagpapatupad ng nilalaman nito dahilan sa taliwas ito sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Nagmula ang petisyon sa mga mambabatas na kinabibilangan nina Congressmen neri Colmenares, Antonio Tinio, Terry Ridon at Luz Ilagan. Kasama rin sa lumagda sa petisyon si Renato Reyes na kumakatawan sa street parliamentarians.
Matatampok na naman ang mga pkikipagtunggali ni Pangulong Aquino sa hudikatura. Maraming mga repormang hinadlangan ang hukuman mula ng maluklok siyang pangulo ng bansa noong 2010, kabilang ang pag-buo ng truth commission upang suriin ang mga nagawang mali at taliwas sa batas noong nakalipas na pamahalaan.
Naniniwala ang mga mambabatas na ang EDCA ay isang paraan upang magkaroon ng mga panibagong base militar ang mga Americano sa Pilipinas na taliwas sa nilalaman ng Saligang Batas. Pabor lamang ang kasunduan sa Estados Unidos, dagdag pa ng mga mambabatas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |