Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Usapin hinggil sa "pork barrel" may ebidensya

(GMT+08:00) 2014-06-12 18:12:29       CRI
Usapin hinggil sa "pork barrel" may ebidensya

WALANG ibang dahilan ang pagsasakdal sa mga mambabatas kungdi ang mga ebidensya.

Ito ang binanggit ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang talumpati sa Lungsod ng Naga sa ika-116 Araw ng Kalayaan sa harap ng bantayog ng Quince Martires de Bicol.

Pinawalang-saysay niya na politika ang dahilan ng pagkakaso kina Senador Juan Ponce-Enrile, Jose "Jinggoy" Estrada at Ramon "Bong" Revilla, Jr. Dalawang senador na ang nagsabing politika ang dahilan ng mga usapin.

Unang lumabas ang isyu ng illegal detention kay Benhur Luy bago sumapit ang halalan noong 2013. Pinayuhan umano ni Pangulong Aquino si Kallihim Leila de Lima na huwag magmadali sa pag-aakusa at maghanap ng kaukulang mga ebidensya upang mapatibay ang usapin.

Magugunitang pinuna nina Senador Revilla at Estrada ang Administrasyong Aquino sa kanilang hiwalay na privilege speeches sa Senado kamakailan.

Noong isang linggo, pormal na inakusahan na ang mga mambabatas ng plunder sanhi ng pork barrel scam.

Nanawagan si Pangulong Aquino sa mga mamamayan na piliin ang mga kandidato na mayroong pagkilala sa batas, may integridad at kakayahan 'di lamang ang mga magagaling sumayaw at magbasa ng mga script.

Sinimulan ang seremonya sa Naga City mga ika-walo ng umaga kasabay ng mga pagdiriwang sa Luneta na pinamunuan naman nina Vice President Jejomar C. Binay at Manila Mayor Joseph Estrada.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>