Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Usapin hinggil sa "pork barrel" may ebidensya

(GMT+08:00) 2014-06-12 18:12:29       CRI

Terminal Fee sa paliparan, isasama na sa halaga ng pamasahe

MAGSISIMULA sa unang araw ng Oktubre ng taong ito, isasama na ang International Passenger Service Charge (IPSC) na kilala sa pangalang terminal fee sa halaga ng pamasahe sa eroplano.

Ito ang ibinalita ni Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado sa isang pahayag. Nakausap na ng MIAA ang mga kumpanya ng eroplano sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Makakasama sa arrangement na ito ang lahat ng mga kumpanya ng eroplano at masasaklaw ang lahat ng mga pasaherong daraan sa Maynila patungo sa ibang bahagi ng daigdig. Maipatutupad ito ng buo sa Oktubre 2015 sa pagtatapos ng bisa ng mga ticket na binili bago sumapit ang unang araw ng Oktubre 2014.

Saklaw nito ang mga booking at ticket na binili sa Pilipinas o sa ibang bansa. Hindi makakasama ang mga Overseas Filipino Workers, Muslim pilgrims at national athletes na rekomendado ng Philippine Sports Commission. Ang mga bata na wala pang dalawang taon ay hindi rin pagbabayarin ng terminal fee.

May 25% ng mga pasahero sa NAIA ang paalis na Overseas Filipino Workers o 99% ng mga exempted passengers samantalang 1% ang mga Muslim pilgrims at national athletes.

Ngayong Hunyo, lalagda ang MIAA sa isang Memorandum of Agreement sa mga kumpanya ng eroplano.

Nakakakolekta ang MIAA ng may P 8.36 milyon sa bawat araw sa international terminal fees sa bawat araw. Noong nakalipas na 2013, umabot ang kanilang koleksyon sa P 3.052 bilyon at nagkaroon ng bahaging P 1.932 bilyon.

Umabot sa 7,671,643 international departing passengers ang dumaan sa NAIA. Sa bilang na ito, may 2,054,494 ang exempted sa terminal fees.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>