"Golden Baboy," bida sa pagtitipon laban sa pork barrel
ISANG "ginintuang baboy" ang simbolo ng kontrobersyal na pork barrel ang gagawing mascot ng mga militanteng grupo sa pagtitipon sa Maynila sa kanilang paghingi ng "accountability" sa mga may opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Renato Reyes, Jr., secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan, lalabas na muli ang "golden baboy" sa mga lansangan ng Metro Manila sa pagdaraos ng pagtitippon sa Liwasang Bonifacio at Mendiola. Ilang grupo ang nagdaos ng mga panawagan sa mga nasa pamahalaan na panagutin sa kakaibang paggasta ng salapi ng bayan. Inaasahang magmamartsa na naman ang mga militante patungo sa Mendiola Bridge.
Mayroon ding mga pagtitipon sa Cebu mula kaninang ikalawa ng hapon tulad rin ng pagsasamasama sa Iligan City ganap na ikatlo ng hapon samantalang sa Rizal Park sa Davao City ay sa ganap na ikalima ng hapon.
1 2 3 4 5 6 7 8