Pilipinas, binalaan ng European Commissioner for Maritime Affairs
PINAYUHAN ni Maria Damanaki, ang European Commission for Maritime Affairs and Fisheries ang Pilipinas na patunayan nito ang pangakong susugpuin at pipiglan ang illegal, unreported at unregulated o IUU fishing upang maiwasang makasama sa blacklist ng mga hindi tumutupad sa mga kasunduan.
Bilang isang regular na nagbibili ng isda at mga lamang-dagat sa Europa, ang pamahalaang Pilipino sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ay nakikipagtulungan sa Directorate General for Maritime Affairs and Fisheries sa mga pag-uusap upang matugunan ang mga problema tulad ng illegal, unreported at unregulated fishing sa nakalipas na dalawang taon.
Sa pahayag ng Kagawaran ng Pagsasaka, ang Pilipinas ay nagsabing may progreso nang nagawa sa pagpapatupad ng legal, administrative at budgetary reform upang maisaayos ang industrya ng pangingisda.
1 2 3 4 5 6 7 8