|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga mambabatas, pinuna ang pinuno ng CIDG
NAGING pabaya umano ang director ng Criminal Investigation and Detection Group Director Benjamin Magalong sa madaliang pagpapangalan ng mga opisyal ng pulisyang sinasabing sangkot sa nawawalang higit sa isang libong sandata.
Ayon sa House Committee on Public Order and Safety, baka umano isang pagtatangkang unahan ang isinasagawang pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan sa insidente.
Sa pagdinig ng kumite na pinamunuan ni Congressman Jeffrey Ferrer ng Negros Occidental, sinabi ni Congresswoman Gwendolyn Garcia ng Cebu na ang minadaling pahayag ni Magalong ay lumalabas na pagtatangkang pangunahan ang kumite sa paglalabas ng kanilng findings.
Idinagdag ni Congresswoman Garcia na pinagtatangkaan nilang mabatid ang kaibuturan ng insidente upang lumabas ang katotohanan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |