|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sama ng panahon, nakalabas na ng Pilipinas subalit…
NAKALABAS ng Philippine Area of Responsibility ang tropical cyclone na kilala sa pangalang "Ester" sa Pilipinas at Mitag sa daigdig at patungo na sa katimugang bahagi ng japan bago naghatinggabi kagabi subalit magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang mga bahagi ng kapuluan.
Binabantayan pa rin ng Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang namumuong sama ng panahon malapit sa hilagang Luzon.
Kung makakapasok sa nasasakupan ng bansa ang low-pressure area, pangangalanan itong Florita.
Idinagdag ni Manny Mendoza, isang weather forecaster, na ang panahong habit ay nakaaapekto sa Luzon at magpapaulan sa Batanes, Calayan at Babuyan Islands, sa Ilocos, Cordillera at Central Luzon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |