|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
3 squares ng beancurd
20 spring onion
3 kutsara ng vegetable oil
Kalahating kutsarita ng asin
2 kutsara ng malabnaw na soy sauce
Paraan ng Pagluluto
Patuyuin nang kaunti ang beancurd tapos hiwa-hiwain nang pa-cube sa sukat na 1 sentimetro. Hiwain ang spring onion, kasama ang talbos, sa habang 2.5 sentimetro.
Initin ang mantika sa kawali tapos iprito ang beancurd sa loob lamang ng ilang minuto. Huwag kalimutang halu- haluin. Pag medyo golden na ang kulay, ihulog ang spring onion at ituloy ang pagpiprito sa loob ng ilang minuto.
Halu-haluin occadibally. Lagyan ng asin at soy sauce tapos ituloy pa ang pagluluto sa loob ng ilang minuto.
Pagkaraan, puwede nang isilbi. I-serve kaagad pagkalutung-pagkaluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |