|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 gramo ng regular broccoli ( puwede rin ang gai lan kung gugustuhin ng magluluto)
Isang kutsara ng vegetable oil
Isang kutsarita ng light soya sauce
Isang kutsara ng oyster sauce
1/4 na kutsarita ng asin
Asukal (ayon sa panlasa)
Isang pirot ng vetsin
2 kutsara ng tubig
Paraan ng Pagluluto
(Tandaan na maaring gumamit ng regular broccoli o chinese broccoli na tinatawag na gai lan.)
Hugasan nang mabuti ang gulay. Hiwain ang bulaklak at ihiwalay sa dahon. Alisin ang matitigas na dahon na kadalasan ay nasa gawing labas at hiwain naman sa gitna ang malalaking dahon. Hiwain ang tangkay sa habang apat na sentimetro. Kung gai lan ang gagamitin, talupan ang tangkay at hiwain nang pahaba sa gitna. Ihiwalay ang mga tangkay sa mga bulaklak at dahon.
Initin ang mantika sa kawali at igisa ang mga tangkay sa loob ng tatlumpung segundo. Bawasan ang apoy tapos hayaang maluto ang mga tangkay sa loob pa ng dalawang minuto. Ihulog ang mga bulaklak at dahon at igisa sa loob ng tatlumpung segundo. Isunod ang mga pampalasa at ang tubig tapos ilaga ang gulay hanggang sa tamang-tama lamang ang pagkakalaga. Pagkaraan, puwede nang isilbi.
(Ang gai lan ay mas mapait kaysa regular broccoli kaya maaring kailanganing magdagdag ng kalahating kutsarita ng asukal.)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |