|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
500 gramo ng pork ribs
Pampalasa
80 gramo ng vegetable oil
10 gramo ng asin
50 gramo ng asukal
20 gramo ng suka
10 gramo ng prickly ash
10 gramo ng cooking wine
10 gramo ng tinadtad na luya
10 gramo ng tinadtad na sibuyas-Tagalog
200 mililitro ng sariwang sabaw o tubig
Paraan ng Pagluluto
Putulin ang pork ribs nang pakuwadrado sa sukat na walong sentimetro.
Pakuluan sa loob ng 2-3 minuto tapos hanguin.
Ibudbod ang asin, Chinese prickly ash, tinadtad na luya at sibuyas sa ibabaw ng pork ribs tapos ibuhos ang cooking wine. Pasingawan sa loob ng 30 minuto sa kawali.
Mag-init ng 60 gramo ng mantika sa kawali tapos igisa ang rib squares hanggang sa maging golden ang kulay. Hanguin at itabi para mamaya.
Mag-init ng 20 gramo ng vegetable oil sa kawali tapos ilagay ang asukal, suka at ang sariwang sabaw o tubig. Ihulog ang rib squares at igisa nang mabuti. Bawasan ang apoy at pakuluin hanggang sumingaw ang ibang sabaw. Pag kaunti na lang ang sabaw, puwede nang isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |