|
||||||||
|
||
Mga Sangkap:
2 ribbonfish
80 grams ng vegetable oil
Isang itlog
5 grams ng tinadtad na sibuyas-Tagalog
10 grams ng tinadtad na bawang
5 grams ng tinadtad na luya
10 grams ng cooking wine
20 grams ng vinegar
20 grams ng toyo
5 grams ng asin
10 grams ng asukal
20 grams ng mixture of cornstarch and water
100 milliliter ng tubig
Paraan ng Pagluluto:
Tanggalin ang lamang-loob ng isda tapos hiwain nang pa-cube sa sukat na 8 centimeters. Batihin ang itlog sa bowl tapos ibuhos sa fish cubes.
Mag-init ng mantika sa kawali tapos iprito ang isda hanggang sa magkulay brown.
Ilagay ang iprinitong isda sa isang kaserola at isunod ang sibuyas-Tagalog, luya, bawang, asin at asukal tapos ibuhos ang cooking wine at tubig. Pakuluin at pagkulo bawasan ang apoy. Ilagay ang mixture of cornstarch and water bago takpan at ilaga sa loob ng 5 hanggang 8 minuto. I-serve pag malapot na ang sabaw.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |