|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 gramo ng malaking sariwang prawns (hindi pa natatanggal ang ulo at shell)
2 spring onions o sibuyas na mura (binuhul-buhol ang dahon)
1/2 kutsarita ng ginger juice
2 kutsarita ng light soya sauce
1 kutsarita ng thick black soya sauce
1/4 na kutsarita ng sesame oil
1 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry
2 kutsarita ng asukal
2 kutsara ng lard o cooking oil
1/2 na tasa ng tubig
1 pirot ng asin
1 pirot ng vetsin
1 sariwang red chilli (ginayat)
sariwang dahon ng coriander
Paraan ng Pagluluto
Hugasan at patuyuin ang prawns. Putulan iyong mahahabang buhok o technically antennae pero huwag gagalawin ang ulo at shell. Kasama ng spring onion, ibabad ang prawns sa ginger juice, soya sauce, sesame oil, wine at asukal sa loob ng humigit-kumulang 30 minuto.
Initin ang lard o cooking oil sa kawali. Hanguin at patuluin ang prawns pero huwag itatapon ang pinagbabaran tapos igisa sa lard sa loob ng 3 minuto. Tuluy-tuluyin ang paghalo. Pagkaraan, ilagay ang tubig at isunod ang likidong pinagbabara, ang asin at ang vetsin at ilaga sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Pagkalaga, puwede nang i-serve. Ilagay sa ibabaw ang coriander leavez at ginayat na chilli bilang palamuti o garnish bago i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |