|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
250 gramo ng abalone na nasa lata (hiniwa)
1 kutsara ng cooking oil
1 clove ng bawang (tinadtad)
2 hiwa ng sariwang luya (ginayat nang manipis)
2 1/2 tasa ng sabaw ng baboy o manok
3 tuyong black mushrooms (ibinabad at hinimay)
50 gramo ng lean pork (hinimay)
1/2 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry
Asin at paminta ayon sa panlasa
1 pirot o pinch ng vetsin
2 dahon ng litsugas o lettuce (hinimay nang pino)
1 spring onion (ginayat nang manipis)
Paraan ng Pagluluto
Initin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang at luya sa mahinang apoy hanggang maging golden ang kulay. Ilagay ang sabaw, mushrooms, karne ng baboy, wine at mga seasoning at ilaga sa mahinang apoy sa loob ng 30 minuto.
Pag malapit nang i-serve, ilagay ang abalone at dahon ng litsugas at hayaang kumulo uli. Isilbi kaagad pagkulo. Ibudbod ang spring onion bago i-serve.
(Ang abalone ay gumaganit pag sumobra sa pagkakaluto)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |