|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
16 na piraso ng malaki, makapal at tuyong kabute
2 kutsara ng mantika
4 na butil ng bawang (tinadtad nang pino)
1 1/2 kutsara ng malabnaw na soy sauce
1 kutsara ng malapot na soy sauce
1/2 kutsarita ng sesame oil
Paraan ng Pagluluto
Hugasan nang mabuti ang mga kabute tapos ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Pagkaraan, salain ang mga kabute pero huwag itatapon ang likidong dumaan sa salaan. Itabi ito para mamaya.
Initin ang mantika sa kaserola (kung may palayok mas maigi) tapos igisa ang bawang at luya hanggang maging ginintuan ang kulay. Isama ang sinalang mushrooms at halu-haluin sa loob ng ilang minuto. Ibuhos ang dumaan sa salaang likido bago lagyan ng malabnaw at malapot na soy sauce.
Takpan nang mabuti at ilaga sa loob ng dalawang oras. Habang inilalaga, laging tingnan kung natutuyo ang likido at kung kailangang dagdagan ng tubig. Wisikan ng sesame oil bago isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |