|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
2 kutsara ng cooking oil
1 tangkay ng celery (ginayat nang manipis)
1 medium red o brown onion (ginayat)
250 gramo ng alinman sa mga sumusunod: red barbecued pork, sliced Chinese sausage, lean ham (hiniwa nang pa-cube), prawns (hilaw o luto), lutong manok
2 tuyong black mushrooms (ibinabad sa tubig at hinimay)
2 itlog
1/4 na kutsarita ng asin
2 kutsarita ng light soy sauce
4-5 tasa ng kaning-lamig
2 kutsara ng lutong green peas
2 spring onions (ginayat nang manipis)
Ginayat na red chilli at celery leaves para sa garnishing
Paraan ng Pagluluto
Initin ang mantika sa kawali at mahinay na iprito ang celery at sibuyas hanggang sa lumambot. Isunod ang prawns kung sariwa ang gagamitin iluto hanggang magkulay pink tapos isunod na rin ang mga iba pang karne at ang tuyong mushrooms bago iluto nang mahinay sa loob ng 3 minuto.
Batihin ang itlog na may asin at soy sauce bago ihalo sa niluluto sa kawali. Haluhin sa mataas na temperatura hanggang sa maluto tapos ilagay ang kanin, green peas at ang kalahating-dami ng spring onion. Ituloy ang pagluluto sa loob ng 2 minuto. Huwag kalimutang haluhaluin habang niluluto. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve. Ibudbod ang chilli at celery leaves bago i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |