Noong nakaraang linggo ay ikinuwento namin sa inyo ang istorya ng isang Indiyanong nagtayo ng sariling restawran sa Beijing, at nakita natin kung ano ang kanyang mga bentahe at disbentahe bilang isang dayuhan dito sa Tsina. Alam po ba ninyo, hindi po siya nag-iisa. Aba! Nagulat po ang inyong lingkod nang mapag-alaman kong mayroon pa palang isang Indiyano rito sa Beijing na nagtayo ng restawran na nagsisilbi ng Indian Cuisine, na may infusion ng Chinese Cuisine. Na-curious po tayo kung ano naman ang kanyang karanasan. Kaya minabuti po natin na pakinggan din ang kanyang kuwento.
Si Laxman Hemnani at ang kanyang asawang si Hetal, ay narito sa Tsina sa loob ng halos 10 taon. Sila ang may-ari ng restawran na kung tawagin ay Ganges, at mayroon na itong 5 sangay sa Beijing.
Binuksan ng mag-asawa ang kanilang unang branch noong 2005, at dahil na rin sa request ng kanilang mga costumer, binuksan nila ang kanilang pangalawang branch pagkatapos ng isang taon. Mula noon, patuloy na gumanda ang takbo ng kanilang negosyo. Walong taon, ang makalipas, mayroon nang sangay ang Ganges sa The Place, sa Central Business District ng Beijing; Sanlitun; at Silk Market. Ano naman kaya ang kakaiba sa kanilang isinisilbing pagkain? At ano ang sikreto ng kanilang tagumpay sa isang dayuhang bansa?