Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Laro ng Anino

(GMT+08:00) 2015-06-25 15:19:51       CRI

 

 

Ang Shadow Puppetry o kilala rin sa tawag na Shadow Show ay isang tardisyonal na palabas sa Tsina at di-maihihiwalay na bahagi ng pamanang kultural ng Tsina sa mundo. Ito ay sinaunang paraan ng pagkukuwento at paglilibang gamit ang mga ginupit na papel na inilalagay sa likod ng inilawang telon upang ang mga ito ay mabigyang-buhay sa entablado.

Ang Shadow Puppetry ay nagsimula noong Han Dynasty (206BC hanggang 220AD), nang ang asawa ni Emperor Wu ay namatay dahil sa sakit. Lubhang nalungkot ang emperador at inutusan ang lahat ng mga pantas sa buong kaharian na muling bigyang-buhay ang kanyang reyna. Mula sa balat ng donkey, hinubog ng mga opisyal at pantas ang anyo ng reyna at sinuotan ng makukulay na damit. Muli nila itong binigyang-buhay sa pamamagitan ng pagpapagalaw ng anino nito sa likod ng telon gamit ang lampara.

Mula noon, ipinanganak ang Shadow Puppetry. Noong Ming Dynasty mayroong 40 hanggang 50 shadow show troupes sa Beijing. Noong 13th century, ito ay regular na libangan sa barracks ng mga sundalong Mongolian. Nang sakupin nila ang Persia, Arabia, at Turkey, pinalaganap nila ito sa mga lugar na ito. Pagkatapos, lumaganap din ito sa Timog Silangang Asya.

Pero, sa kasalukuyan, unti-unti na itong naglalaho sa Tsina, dahil na rin sa mga pag-unlad sa pamumuhay at teknolohiya. Parami nang paraming mga Tsino ang nahihilig sa panonood ng makabagong pelikula, teledramna, musika, pagsunod sa uso mula sa Europa at Amerika, at marami pang iba. Dahil dito, paunti nang paunti ang pagtatanghal ng mga puppeteers. Pero, magkagayunman, may isang dayuhang mula sa Timog Aprika ang tumutulong na muling buhayin ang sining na ito?

Nang kumatok sa kanyang pinto ang pagkakataon, agad nagpunta sa Tsina si Pamela Murray at iniwan ang Cape Town, South Africa. Sinamantala niya ang pagkakataon upang sundin ang kanyang hilig sa pag-aaral ng shadow puppetry. Tunghayan po natin ang kanyang kuwento.

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Lady Kawanggawa 2015-06-18 09:02:29
v Daddy DJ 2015-06-11 15:25:15
v Gay marriage, palagay n'yo? 2015-06-04 17:21:36
v Sapatos ko, hanep to 2015-05-28 18:06:26
v Golf sa Tsina 2015-05-21 16:51:10
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>