Limang taon na ang nakaraan, nagbitiw sa kanyang trabaho si Ian Hamlinton bilang China tour guide sa Yangshuo County ng Guangxi Zhuang Autonomous Region.. Lumipat siya sa Jiuxian, isang maliit na baryo upang magsimula ng kanyang sariling negosyo. Dito, nirentahan niya ang 6 na matandang bahay na itinayo noong Qing Dynasty, na kanyang nakita sa kanyang paglilibot. Hindi maintindihan ng marami sa mga lokal na mamamayan kung bakit nirentahan ni Ian ang matatandang bahay na ito, dahil ayon sa kanila; ang mga ito ay kinakain nan g mga anay at halos wala nang pakinabang. Dahil diyan, si Ian ay binansagan ng mga lokal na residente bilang "Fengzi," na nangangahulugang "baliw."
Di-nagtagal, ni-renovate ni Ian ang mga sinaunang bahay na ito at itinayo ang isang napakagandang boutique/hotel: ang "Secret Garden."
Dahil dito, malaki ang naitutulong ni Ian sa pagpapalakas ng lokal na turismo at negosyo sa Jiuxian. Kaya, si Ian ngayon ay may status na celebrity sa lokalidad. Ayon kay Ian, ang Jiuxian ay kanya nang tahanan, at hindi na niya iniisip na lumipat pa ng lugar panirahan.
Tunghayan po natin ang kanyang kuwento.