|
||||||||
|
||
20150730ditorhio.m4a
|
Natatandaan pa ba ninyo ang pelikulang "300" na ipinalabas noong 2006? Sigurado akong marami sa inyo ang nakapanood nito, kasama na po ang inyong lingkod.
Para po doon sa mga hindi nakapanood, ang kuwento ng "300" ay tungkol kay Haring Leonidas ng City State ng Sparta, sa Gresya at kanyang 300 personal na kawal. Noong 480BC, sinubukan ni Leonidas at kanyang 300 mandirigma na labanan ang humigit-kumulang sa 300,000 kawal ng Imperyo ng Persia na gustong sumakop sa Sparta, na pinamumunuan ni god-King Xerxes.
Ang labanan ay nangyari sa lugar na kung tawagin ay Thermopylae (kasalukuyang Iran). Kaya, ito ay kilala, lalung-lalo na sa mga hukbong sandatahan sa buong mundo bilang "Battle of Thermopylae."
Pero, alam po ba ninyo, noong isang linggo rito sa Beijing, mayroon pong sumubok na i-recreate ang ilang tagpo sa pelikulang "300;" hindi dahil sa gusto nilang gumawa ng sequel ng hit movie kundi para i-promote ang isang brand ng salad.
Tama po ang inyong narinig. Isang kompanya po ang nag-hire ng halos 100 foreigners, at pinagsuot sila ng parang Spartan na sundalo upang mag-deliver ng salad sa mga nagtatrabaho sa central business district ng Beijing.
At dahil kakaiba ang kanilang kasuotan, at kakaunti lang ang saplot sa kanilang katawan, madaling nakuha ng mga dayuhang may matitipunong pangangatawan at may tangang salad ang atensyon ng mga lokal na residente. Pero, di tulad ng pamosong linya ni Haring Leonidas sa pelikula na "This is Sparta," ayon sa mga police ng Beijing, "This isn't Sparta -- it's China."
Ayon sa Cable News Network (CNN), ang mga nabanggit na foreign model ay kinontrata ng kompanyang Sweetie Salad upang mag-promote ng kanilang mga produkto para sa kanilang one year anniversary.
Ayon pa sa CNN, "the shirtless, caped and leather-hotpanted models made a scene when they thundered into downtown Beijing holding boxes of salad, attracting crowds eager to photograph them."
Ang litrato ng mga model ay madali namang kumalat at naging viral sa Weibo at WeChat: dalawang pinakapopular na social media platform sa Tsina.
"The crowds grew so large that the muscular Greeks even attracted the attention of the police, who set about subduing the warriors," ayon pa sa CNN.
Pero, teka muna, bakit naman sila naimbitahan sa presinto, eh wala namang masama sa paged-deliver ng salad di ba?
Ayon sa Beijing Public Security Bureau (BPSB), ang naturang promosyon ay nakagambala sa normal na kaayusang panlipunan, at nagresulta sa pagkakaroon ng trapik. Kaya, kinailangang gumawa ng agarang aksyon ng mga pulis para maibalik ang kaayusan. Ayon sa tagapagsalita ng BPSB, ilang dayuhan ang naimbitahan sa presinto. Pero, bakit naman naisip ng Sweetie Salad ang ganitong konsepto?
Ayon sa post sa kanilang social media, gustong i-promote ng kompanya ang ideya ng pagkakaroon ng maganda at malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng kanilang produkto. Humingi rin sila ng paumanhin sa pagkagambala ng kaayusang panlipunan at pagkakabuhul-buhol ng trapiko.
Anila, "we have learned how inexperienced we are as a start-up company when it comes to organizing offline activities."
"We'll strictly comply with the police orders, keeping our brand perception while maintaining public order and good social influence," dagdag pa ng Swettie Salad.
Ayon pa rin sa CNN, sinabi ni Jia Haolong, empleyado ng Swettie Salad, na ang naturang aktibidad ay bahagi ng three-day promotional activity, pero, hindi nila akalain na ito ay mapuputol, sa unang araw pa lamang.
Pero, sa kabilang dako, base sa atensyon na nakuha ng mga Spartan warriors, ang kanilang marketing promotion ay isang tagumapay.
Ani Jia, maraming tao ang nagtanong sa kanya kung bakit siya ang nag-deliver ng mga salad at hindi ang mga Spartan warriors.
Dagdag pa ni Jia, sa tingin niya, ang traffic jam ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga Spartans ay naaresto ng mga police.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |