|
||||||||
|
||
20150806ditorhio.m4a
|
Mga kaibigan, narinig na po ba ninyo ang kasabihang, "ang musika ay mahiwaga at nakapagbibigay ng panibagong buhay?" Para sa episode natin ngayong gabi, bibigyan namin kayo ng panibagong buhay at saya sa pamamagitan ng dalawang kuwentong hinggil sa musika.
Ipinanganak sa Russia, tumira sa Europa, at ngayon, feeling at home sa Beijing, ang misyon ni Maria Nauen ay pag-isahan ang mundo ng kapuwa professional at amateur at musicians, upang makagawa ng orchestra na unique, hindi lang sa Beijing, kundi sa buong Tsina. Itinayo ni Maria ang Beijing International Chamber Orchestra upang makamtan at magkatotoo ang pangarap na ito. Tunghayan po natin kung ano pokus ngayon ng orchestra, at paano nito magpag-iisa angmga mamamayan sa pamamagitan ng musika, kahit magkakaiba ang kanilang kultura.
Ang ating ikalawang kuwento ay tungkol din sa isang musician na mula sa bansang Latvia. Siya ay si Anzelika. Si Anzelika ay pumunta sa Beijing 4 na taon na ang nakakalipas, pero, siya ay namumuhay sa Tsina sa loob ng mahigit 7 taon na.
Nagsimulang makilala si Anzelika at kanyang banda dahil sa Chinese talent show Walk of Fame. Bukod dito, mas naging popular siya dahil kaya niyang mag-host ng programa sa TV sa wikang Mandarin. Iilan lamang po kasi ang mga dayuhang nakakagawa nito. Ang kanyang karera ngayon ay umiikot sa pag-ho-host ng ibat-ibang show sa TV. Ang kanyang fan base at kasikatan ang patunay na ang kanyang pananatili at pamumuhay sa Tsina ay tamang desisyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |