Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kuwento ng Isang Igorot Fighter sa Beijing

(GMT+08:00) 2015-08-27 15:56:46       CRI

Mga kababayan, ang atin pong episode ngayong gabi ay tungkol sa palakasan, partikular, sa sports na Mixed Martial Arts o MMA.

Ang sports pong ito ay isa sa mga pinakamabilis na sumikat sa buong mundo at marami sa ating mga kabataan diyan sa Pilipinas, lalung-lalo na iyong mga nasa contact sports o martial sports ang sumasali rito.

Ang MMA ay pinasikat ng fight organization na Universal Fighting Championship (UFC) na nagsimula sa Amerika noong unang dako ng dekada 90.

Mula sa noon, sumikat ito sa buong mundo at nananatiling may pinaka-mataas na lebel ng kompetisyon MMA sa buong mundo.

Dito naglalaro ang malalaking pangalan na tulad nina Ronda Rousey, Fabricio Verdum, Jose Aldo, Robbie Lawler, at marami pang iba.

Sa local scene naman, patuloy din ang pagbulusok paitaas ng sports na ito, at noon pong nakaraang July 25, 2015, idinaos sa Fontana Leisure Park & Casino ang Universal Reality Combat Championship (URCC) 26: DOMINATION.

Ito po ang kauna-unahang fight organization sa Asya at sarili nating bersyon ng UFC. Dito po sa URCC 26, isa sa mga matalik nating kaibigan dito sa Beijing ang lumahok at nanalo sa nasabing kompetisyon. Hindi lang po iyan, inuwi rin niya rito sa Beijing ang Bantamweight Belt ng URCC.

Siya po ang isa sa mga tagapagtatag ng Fight Republic, ang kauna-unahang boksing gym dito sa Beijing na pinatatakbo ng mga Pilipino: isa po siyang proud Igorot, walang iba kundi si Jerson Salleng Estoro.

Noong 2012, si Jerson ay isa nang top contender para sa bantamweight belt, dahil sa mga di-inaasahang pangyayari, kinailangan niyang magtungo sa Tsina, para sa pamilya.

Ito ang naging dahilan kung bakit pansamantala niyang isinantabi ang kanyang pangarap na maging MMA champion.

Pero, nang muling kumatok sa kanyang pintuan ang oportunidad para lumaban sa championship, hindi na niya ito pinalampas.

Ayon kay Jerson, "Matagal ko nang hinintay itong opportunity na ito. 2012 ako umalis ng bansa kaya medyo na-stuck yung MMA career ko kasi nagfocus muna ako sa pagtuturo (sa China)."

Ang muling pagbabalik ni Jerson sa URCC ay hindi madali.

Bukod pa riyan, nilabanan pa niya ang isang talented at matibay na fighter na si Andrew Benibe.

Pero, sa kabila ng mga ito, nagtagumpay si Jerson.

Dagdag niya, "Inihanda ko talaga yung sarili ko kasi alam ko rin na matindi siya. Pinaghandaan niya din itong laban na ito kaya hindi rin ako nagulat na ganun siya katibay. Tinatamaan ko siya pero lumalaban pa rin, so tinignan ko talaga yung advantage ko. Alam kong mas may advantage ako sa striking , kaya nung nakakuha ako ng tiyempo, binigyan ko siya ng jumping knee buti nalang at tumama sa kanya ng solid at hindi na siya bumangon."

Sinadya po natin kamakailan si Jerson doon sa Fight Republic para alamin ang kanyang kuwento at kung paano siya nag-umpisang tumahak sa mundo ng martial sports.

Tunghayan po natin ang kuwento ng buhay ni Jerson Salleng Estoro, mula sa kanyang humble beginnings hanggang sa kanyang pagiging kampeon.

 

Sina Jerson at Marc Choy

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
rhio
v Kulturang Espanyol sa Tsina 2015-08-20 17:04:06
v 2022 Winter Olympics 2015-08-13 16:04:12
v Mundo ng Musika 2015-08-06 16:46:34
v Spartans sa Beijing 2015-07-30 14:31:56
v Tara! Curry na! 2015-07-16 15:16:43
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>