|
||||||||
|
||
20150820ditorhio.m4a
|
Mga kaibigan, hindi isa, hindi rin dalawa, kundi tatlo: tama po ang narinig ninyo, tatlong kuwento ng ibat-ibang taong may nagkakaibang pananaw sa buhay at karanasan sa Tsina ang ating ihahatid sa inyo ngayong gabi.
Ang una ay istorya ng buhay ng Espanyolang si Inma Gonzalez Puy. Siya ay nagpunta sa Tsina noong 1979, noong ang Tsina ay nagsisimula pa lamang magbukas sa labas.
Sa loob ng maraming taong pananatili sa bansa, nasaksihan ni Inma ang mraming pagbabagong naganap nitong nakalipas na 30 taon.
Si Inma ngayon ay ang direktor ng Cervantes Institute o Instituto Cervantes sa Beijing. Sa pamamagitan ng kanyang trabaho, umaasa siyang maipapa-alam sa mas maraming Tsino ang hinggil sa kulturang Espanyol.
Mga kaibigan, noon pong nakaraang taon ay nai-feature po natin sa DLYST ang Fight Republic, gym na itinayo ng mga Pilipinong boksingerongna na sina Jerson at Ryan. Bukod po sa dalawang Pinoy na nabanggit, mayroon pang isang tagapagtatag ang Fight Republic, at ito ang Scott na si Rory Van Den Berg. Siya po ang ating ikalawang kuwento ngayong gabi.
Si Rory Van Den Berg ay nagpunta sa Tsina 5 taon na ang nakakaraan. Una siyang nagtrabaho para sa isang finance company sa Beijing.
Bukod dito, si Rory ay isa ring Muay Thai coach at tagapagtayo ng Fight Republic.
Ang ating last but not the least na kuwento ay tungkol sa Amerikanong si Sean McClure, na nagpunta sa lunsod ng Shenyang, sa dakong hilagang kanluran ng Tsina, pagkatapos niyang mag-graduate ng high school.
Sa Shenyang, isang taon ang ginugol ni McClure sa pag-aaral sa isang local high school upang matuto ng wikang Tsino
Ngayong nakapagtapos na siya, kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Kempinski Hotel, sa Beijing Lufthansa Center bilang management trainee. Bilang Amerikanong nagtatrabaho sa isang German company sa Beijing, marami ang mga pagsubok na kanyang kinakaharap, pero, sa kabila ng lahat ng ito, sianbi ni McClure na gusto niya ang kanyang ginagawa. Aniya, "every day is different in the hotel, you get to meet people from all over the world."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |