Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Arnis para sa Charity

(GMT+08:00) 2015-09-03 16:41:34       CRI

Noong April 25, 2015, isang lindol na may lakas na magnitude 7.8 sa Richter Scale at may episentrong matatagpuan sa distrito ng Lamjung, ang tumama sa bansang Nepal: ito ay kilala rin sa tawag na "Gorkha Earthquake." Kinitil nito ang buhay ng mahigit 9,000 katao, samantalang mahigit 23,000 iba pa ang nasugatan.

Bukod pa riyan, napakaraming kabahayan ang nawasak at daan-daang libong tao ang nawalan ng tahanan.

Ang mga UNESCO World Heritage site sa Kathmandu Valley, kasama na ang mga nasa Kathmandu Durbar Square, Patan Durbar Square, Bhaktapur Durbar Square, Changu Narayan Temple at Swayambhunath Stupa ay nasira.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatayo ang mga taga-Nepal sa kanilang pagkakasadlak sa sakuna.

Marami pa rin ang naghihirap at walang tahanan, walang makain, kulang sa gamot, at kulang sa saligang pangangailangan sa buhay.

Pero, tulad nating mga Pilipino, nananatiling matatag ang mga mamamayan ng Nepal at puno pa rin sila ng pag-asa na mapagtatagumpayan ang lahat ng ito.

At tulad ng mga taga-Nepal puno rin ng pag-asa si Valeria Chan, isang laowai sa Beijing. Walang humpay siyang nagpupunyagi upang makalikom ng pondo sa pamamagitan ng charity para matulungan ang mga kapus-palad sa Nepal.

Matapos ang sakuna, kasama ang ilang kaibigan, binuo ni Valeria ang isang grupo upang gumawa ng mga aktibidad na naglalayong lumikom ng pondo para sa mga apektadong mamamayan sa Nepal. Simula noon, ilang event na po ang kanilang nagawa.

Kamakailan, inorganisa ng kanyang grupong Living Project for Nepal at Tiger King Fight Fit Gym ang isang charity event, kung saan, sa maliit na halaga, maaaring magkaroon ng 3 martial art at martial fitness session ang mga participant. Ang tatlong martial art session ay: Filipino Martial Art (Arnis/Eskrima/Kali), Brazilian Jiu-jitsu, at Muay Thai.

Dalawang Pilipino at isang Tsino ang mga nagturo sa event na ito. Ang inyong lingkod ang nagturo ng FMA, si Andy Wang ang nagturo ng Brazilian Jiu-jitsu, at si Vince Soberano ang para sa Muay Thai.

Lahat po ng kinita ay ipapadala sa Nepal, sa pamamagitan ng Nepal Survivors' Fund.

"Sa pamamagitan ng Living Project for Nepal, walang humpay na nagpupunyagi si Valeria Chan upang makalikom ng pondo para matulungan ang mga kapus-palad sa Nepal.

Kamakailan, inorganisa ng kanyang grupong Living Project for Nepal at Tiger King Fight Fit Gymang isang charity event, kung saan, sa pamamagitan ng maliit na halaga, magkakaroon ng 3 martial art at martial fitness session ang mga participant. Ang tatlong martial art session ay: Filipino Martial Art (Arnis/Eskrima/Kali), Brazilian Jiu-jitsu, at Muay Thai.

Dalawang Pilipino at isang Tsino ang mga nagturo sa event na ito. Ang inyong lingkod ang nagturo ng FMA, si Andy Wang ang nagturo ng Brazilian Jiu-jitsu, at si Vince Soberano ang para sa Muay Thai.

Lahat po ng kita sa aktibidad na ito ay ipapadala sa Nepal, sa pamamagitan ng Nepal Survivors' Fund."

Mga Kalahok

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
rhio
v Kuwento ng Isang Igorot Fighter sa Beijing 2015-08-27 15:56:46
v Kulturang Espanyol sa Tsina 2015-08-20 17:04:06
v 2022 Winter Olympics 2015-08-13 16:04:12
v Mundo ng Musika 2015-08-06 16:46:34
v Spartans sa Beijing 2015-07-30 14:31:56
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>