![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20150914.m4a
|
Ang movie pick namin this week ay ang pelikulang Go Away Mr. Tutor. Ang mga bida sa pelikula ay sina Daniel Wu at Bai Baihe. Gaya ng aming sinabi kanina ang pelikula ay batay sa final years ng isang cartoonist at ang kanyang laban sa malignant tumor pero sa bandang huli binawian siya ng buhay sa edad na 30.
Ang Go Away Mr Tunor ay base sa isang true story. Si Xiong Dun (Bai Baihe) ay isang 29 year old na commercial artist at malapit na ang birthday niya. May nobyo siya at may mga best friends – amateur boxer na si Lao Zheng (Zhang Zixuan) workaholic na roommate na si Emmy (Li Yuan) at katrabahong si Xiao Xia (Liu Ruilin)
Sa araw ng kanyang birthday, malas namang naalis siya sa trabaho at nabisto rin niya na may ibang babae ang kanyang nobyo! Hinimatay siya at paggising siya ay nasa ospital na at ginagamot ni Dr. Liang (Daniel Wu) isang handsome oncologist at ipinaalam sa kanyang siya ay may lymphoma.
Si Xiong ay self-centered. Malikot ang imahinasyon at mas madalas na may sariling mundo. Di niya masyadong pinapansin ang nakapaligid sa kanya. At ang pagkakasakit ay isang major reality check. Pero sa kabila nito she doesn't lose hope and her zest for life. Naging magkaibigan sina Dr. Liang at Xiong. Sa imahinasyon ni Xiong - boyfriend niya ang doktor.
Bagamat ang kwento ay nakatuon sa darkest hours sa buhay ni Xiong Dun ipinakita naman ito pamamagitan ng nakakatawaan paraan. Sa paglalahad ng direktor na si Han Yan at ang mga writers ng pelikula maraming funny scenes pagdating sa mga pantasya ni Xiong. Marami ring comedy nagpalutang sa kakayahang magpatawa ng cast.
Pero kapag siryoso na ang tema, talaga namang tumutugma ang takbo ng pelikula para maging melodrama ang pelikula. May pagka romantic comedy din ang pelikula.
Alamin ang iba pang detalye ng pelikula mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |