Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

8 Palace Handicrafts ng Beijing

(GMT+08:00) 2015-10-15 14:05:59       CRI

Ang sining ay maraming porma, at ito ay tanda ng pagkamalikhain ng sangkatauhan. Makikita ito sa bawat sulok ng mundo. Ito'y walang hanggahan, at marami ang nagsasabi na ang sining ang unibersal na wika: sang-ayon po ako rito, dahil sa sining, lahat ay nagkakaintindihan at pantay-pantay. Dito, hindi tinitingnan ang nasyonalidad, relihiyon, kasarian, etc; at kung minsan, hindi na rin kailangan ang mga salita. Dahil sa pamamagitan ng ibat-ibang obra maestra, naipapakita at nailalahad ng may-likha ang kanyang ideya at damdamin sa kanyang mga tagatangkilik.

Marami rin pong uri ng sining, nariyan ang mga awit, sayaw, eskultura, pinta, at marami pang iba.

Sa ating mga Pilipino, ang sining ay parang katambal na ng ating lahi. Mula nang tayo ay ipinanganak at magkaisip, kasama na sa ating kultura ang pagkanta, pagsasayaw, pagpipinta, paglilok, etc. Kaya naman, mayroon tayong mga artistang tulad nina Juan Luna, Jose Rizal, Francisco Baltazar, at marami pang iba. Tunay ngang ang sining ng Pilipino ay maipagmamalaki sa mundo.

Tulad sa Pilipinas, mayroon ding sariling likhang-sining ang mga Tsino. Ang Sibilisasyong Tsino ay may mahigit 3,000 taon nang kasaysayan. Kaya naman, hindi kataka-takang nakalikha sila ng natatanging sining na nagpapakilala ng kanilang kultura at sariling katangian.

Saan mang sulok ng mundo makikita ang mga uri ng sining-Tsino at ilan sa mga uring ito ay inilakip na sa listahan ng Intangible Cultural Heritage ng Guiness Book of World Records.

Kamakailan, binuksan sa Beijing ang isang art work exhibition na nagpapakita ng ilan sa mga sining na ito, at isa po ang inyong lingkod sa mga pinalad na naimbitahan.

Doon nasilayan po natin ang ilan sa mga kagila-gilalas na gawang-sining na likha ng mga dalubhasang Tsino.

Ang tinutukoy ko pong art work exhibition ay ang "1st Works Exhibition Activities of the Beijing 8 Palace Handicrafts of Beijing Technical Schools."

Ang 8 Palace Handicrafts ng Beijing ang kumakatawan sa pinakamataas na lebel ng tradisyonal na handicraft ng Tsina. Pero, dahil sa napakahirap at komplikadong proseso sa paglikha ng mga obra sa mga pamamaraang ito, kakaunti na lamang ang mga Tsinong nakakaalam kung paano ito gawin.

Pero, nitong mga nakaraang taon, nag-invest ng malaking halaga ang pamahalaang Tsino upang magtayo ng mga bokasyonal na paaralan upang magturo ng kurso hinggil sa 8 Palace Handicrafts ng Beijing, upang ito ay maisalin sa susunod na henerasyon.

Ang 8 Palace Handicrafts ng Beijing ay ang mga sumusunod: Cloisonne, Imperial Blanket, Jade Carving, Gold Lacquer Inlay, Beijing Embroidery, Ivory Carving, Carved Lacquerware, at Decorative Pattern Inlay.

At para ipaliwanag ang bawat isa sa mga ito, narito po si Lydia, ang napakagandang guide na nakilala at tumulong sa inyong lingkod noong tayo po ay nasa "1st Works Exhibition Activities of the Beijing 8 Palace Handicrafts of Beijing Technical Schools." Pakinggan po natin si Lydia.

Carved Lacquerware

Jade Carving

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
rhio
v Noni, pambihirang prutas 2015-10-08 16:59:28
v Mga exhibitor ng Ika-12 CAExpo 2015-09-29 16:59:31
v Arnis para sa Charity 2015-09-03 16:41:34
v Kuwento ng Isang Igorot Fighter sa Beijing 2015-08-27 15:56:46
v Kulturang Espanyol sa Tsina 2015-08-20 17:04:06
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>