|
||||||||
|
||
20151008ditorhio.m4a
|
Noon pong nakaraang episode ay napakinggan natin ang ating mga kababayang nag-exhibit sa Commodity Trade Pavilion ng Ika-12 China-ASEAN Exposition (CAExpo). Sinabi ko rin po na itutuloy natin ang kuwentuhan ngayong linggo dahil mayroon pang isang napaka-interesanteng exhibitor na nag-exhibit ng napaka-interesanteng produkto noong Ika-12 CAExpo.
Balik-tanaw
Pero, bago ang lahat, para sa mga hindi nakapakinig noong nakaraang episode, ang CAExpo ay isang plataporma para sa Tsina at mga bansang ASEAN upang magkaroon ng relasyong pang-ekonomiya. Ito rin ay mekanismong nagpo-promote sa China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), na siya namang dahilan ng mga economic trade cooperation sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Sa madaling salita, ang CAExpo at CAFTA ay isang napakagandang paraan upang magkaroon ng negosyo sa pagitan ng Tsina at ASEAN: gayundin, ito ay mainam na paraan upang maibahagi at maipakita ng bawat panig ang kanilang kultura.
Sa paanong paraan, magkakaroon ng negosyo at pagpapalitan ng kultura?
Sa CAExpo, ine-exhibit ng mga participant mula sa Tsina at mga bansang ASEAN ang kanilang mga produkto. Mayroon din ditong city of charm, kung saan ipinakikita ang gandang panturismo ng bawat bansa, at ang kanilang mga katutubong sayaw, kanta, at ibat-ibang obra.
Syempre, dahil expo, napakaraming tao mula sa ibat-ibang dako ng Tsina ang nagpupunta rito upang bumili ng mga produktong ASEAN, makipagkolaborasyon upang magtayo ng negosyo sa Tsina o ASEAN, at i-enjoy ang mga palabas na pangkultura.
Ito rin ay isang magandang porum upang makita ng mga Tsino ang taglay na panturismong ganda ng mga bansang ASEAN at vice versa.
Sa taong ito, umikot ang tema ng Ika-12 CAExpo sa pagtatayo ng 21st Century Maritime Silk Road.
Samantala, ang Pilipinas ay may 2 pavilion: ang Commodity Trade Pavilion, kung saan 26 na kompanya ng local food, home, health and wellness, at fashion ang nag-exhibit ng kanilang mga produkto at serbisyo; at ang National Pavilion, kung saan iprinomote ng mga Investment Promotion Agencies (IPA's) at Zamboanga (City of Charm ng Pilipinas) ang kanilang mga bentaheng pang-negosyo at panturismo.
Ayon sa Center for Intenational Trade and Mission ng Department of Trade and Industry (CITEM-DTI), nagkaroon ng mahigit USD 1.8 milyong ang Pilipinas mula sa CAExpo noong nakaraang taon.
NONI Juice
Ang Noni Juice
Ang sinasabi ko kanina na napaka-interesanteng exhibitor na may napaka-interesanteng produkto ay si Michael Chen Guzman ng Phil Morinda Citrifolia Inc. Ano ka n'yo ang kanilang produkto? Noni Juice!
Alam ko ang susunod na tanong ninyo… Ano ang Noni Juice? Ito ang katas na nagmumula sa uri ng prutas na kung tawagin ay "Noni," na mas kilala sa Pilipinas bilang "Apatot." By the way, ayon kay Michael, ang Apatot o Noni ay isang native na uri ng prutas sa Pilipinas. Ibig sabihin, katutubong produkto ng Pilipinas ang Apatot o Noni.
Ano naman ang mga benepisyo ng Noni Juice?
Ayon sa aklat na "Benefits Derived from PhilNONI" ni Conrado D. Fontanilla, ilan sa mga gamit at benpisyo ng pag-inom ng Noni Juice ay: anti-cancer, anti-tumor, nag-de- ngng pagtanda, nagde-detoxify ng katawan, mainam laban sa diabetes, anti-arthritis, nagko-control ng chronic bronchitis, anti-asthma, nagpapababa ng presyon ng dugo, at maraming marami pang iba.
Alam po ninyo, isang Pilipino rin ang nakaimbento ng Noni Juice. Siya ay si Dr. Tito E. Contado, dating propesor ng University of the Philippines sa Los Banos, at dating Chief ng United Nations Service for Agricultural Education and Extension.
Noong tayo po ay nasa Ika-12 CAExpo, nakapanayam po natin si Michael Chen Guzman, International Marketing Manager at Joseph Francoise A. Morantte, General Manager ng Phil Morinda Citrifolia, Inc. Narito po ang ating panayam sa kanila.
Bukod sa Commodity Trade Pavilion at National Pavilion, mayroon din pong City of Charm Pavilion ang Pilipinas sa Ika-12 CAExpo, kung saan ipino-promote ang Zamboanga City bilang ating City of Charm: doon napanood po natin ang mga performance ng Jambangan Cultural Dance Company Inc. at nakapanayam natin sina Rya at Vince, mga performers sa ating City of Charm.
Sina Rhio at Michael Chen Guzman, International Marketing Manager at Joseph Francoise A. Morantte, General Manager ng Phil Morinda Citrifolia, Inc
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |